Anim na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Duterte ang inaasahang magpapaalam sa kani-kanilang puwesto para paghandaan ang 2019 mid-term elections.

Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatlo sa mga nasabing opisyal ang kakandidato sa national post, habang tatlo naman sa local post.

Hindi rin kinumpirma ni Roque kung kasama siya sa anim na magsisipaghain ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Oktubre 11-17.

“We’ll find out on October 17, 2018. I do not know. Honestly. I’ve not had the chance to meet with the President. He’s not back in Manila until tomorrow. So, I do not know. Honestly,” sabi ni Roque.

National

Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon

Sinabi rin ni Roque na kailangan niyang makausap muna si Pangulong Duterte bago siya magdesisyon kung kakandidato siya.

“Hayaan n’yo muna kaming mag-usap,” aniya pa.

-Beth Camia