Umaasa si Senador Nancy Binay na lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Dutete ang 105 araw na maternity leave bilang maagang regalo sa mga babaeng manggagawa.

“The 105-day maternity leave is a big step in giving particular attention to motherhood premiums. Ito ay isang pagkilala sa mga ginagampanang mahahalagang papel ng mga nanay sa lipunan, sa kanilang puhunang oras sa trabaho, at pagbibigay ng sapat na panahon sa pag-aruga sa kanilang mga anak,” ani Binay.

Ayon kay Binay, hindi dapat gawing dahilan ng mga kumpanya ang maternity leave sa kanilang pagkalugi, bagkus ay dapat na tingnan ang mga naiambag ng kababaihan sa labor force.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony