WASHINGTON (AFP) – Isang Chinese warship ang naglayag nang may ilang yarda lamang ang layo mula sa isang American destroyer – na napilitang mag-iba ng ruta – sa delikadong encounter habang nasa pinagtatalunang South China Sea ang barko ng US, sinabi ng isang opisyal nitong Lunes.

Nagsasagawa ang USS Decatur guided-missile destroyer ng ‘’freedom of navigation operation’’ nitong Linggo, nang dumaan ito sa loob ng 12 nautical miles ng Gaven at Johnson reefs sa Spratly Islands.

Inaangkin ng Beijing ang lahat ng isla sa Spratly chain sa South China Sea.

Sinabi ni US Pacific Fleet spokesman Commander Nate Christensen na lumapit ang Chinese Luyang destroyer sa USS Decatur sa ‘’unsafe and unprofessional maneuver in the vicinity of Gaven Reef in the South China Sea.’’

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Kasunod nito ay nagsagawa ang barkong Chinese ng serye ng ‘’increasingly aggressive maneuvers, and warned the Decatur to depart the area,’’ idinagdag niya.

Ang Chinese ‘’destroyer approached within 45 yards (meters) of Decatur’s bow, after which Decatur maneuvered to prevent a collision.’’