Mahigit P800 milyon—ang pinakamalaking jackpot sa kasaysayan ng lotto sa Pilipinas—ang naghihintay sa bukod na pinagpalang tataya at mananalo sa UltraLotto 6/58.

Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na umabot na ang UltraLotto jackpot sa P809,365,820 makaraang walang nakatsamba sa six-digit combination sa bola nitong Linggo.

Sinabi ni Alexander Balutan, PCSO general manager, na ang winning combination ay 34, 30, 32, 20, 03, at 23.

Nobyembre 29, 2010 nang mapanalunan ng isang balikbayan mula sa Olongapo City ang pinakamalaking lotto jackpot, at nag-uwi ito ng P741.1 milyon sa GrandLotto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Payo ni Balutan sa napakasuwerteng makakatsamba sa UltraLotto winning combination: dapat na kaagad na pirmahan ang likod ng ticket at ingatan itong malukot—at siyempre pa, huwag iwawala.

“Whoever holds the ticket is the winner. Take a photo and video of yourself with the winning ticket. But keep it to yourself first, you don’t want strangers or people knocking at your door unannounced asking for ‘balato’ or do you harm. Be mindful of your security and your family as well,” sabi ni Balutan.

-Jel Santos