KULANG man sa players, malawak ang karanasan sa laban ng St. Dominic Savio College-Caloocan City para magapi ang Muntinlupa Volleyball Club at tanghaling kampeon sa 2nd PVF-Tanduay Athletics Under 18 Girls Championship nitong weekend sa Tanduay Athletics Center (dating Cantada Sports Center) sa Taguig City.

TINANGHAL na kampeon ang St. Dominic Savio College-Caloocan City sa Tanduay-PVF Under 18 volleyball championship.

TINANGHAL na kampeon ang St. Dominic Savio College-Caloocan City sa Tanduay-PVF Under 18 volleyball championship.

Kabuuang 12 koponan ang sumabak sa Under 18 event na libre sa mga kalahok kabilang ang Infanta National High School in Infanta, Harell Integrated School and St. Thomas More Academy of Bacoor, GMA, Sapang Palay Volleyball Club, Parañaque Volleyball Club, Balanga Volleyball Club, Stalwarts Volleyball Club at Hope Integrated School.

Maaksiyon at puno nang kasiyahan ang torneo na naglaan din ng libreng pagkain at inumin mula sa suporta ni tycoon Lucio “Bong” Tan, Jr. at sa pamilya Cantada, sa pangunguna ni Philippine Volleyball Federation president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!