Isang Pilipina ang iniulat na pinatay ng kanyang asawang Swedish actor sa Sweden, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nagpaabot na ng pakikiramay ang DFA at inaayudahan ang naulilang pamilya ni Mailyn Conde Sinambong, may dalawang anak, at nakatira sa Kista, Sweden.
Ayon kay Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, humingi ng tulong si Gng. Maria Monato, ina ng biktima, sa DFA Consular Office sa Cebu para sa pagpapauwi sa bangkay ni Mailyn at matiyak ang hustisya sa kanyang pagkamatay.
Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Norway sa Swedish authorities kaugnay sa pagpatay kay Mailyn nitong Setyembre 23. Inasahan ang pagdating sa Stockholm kahapon ng 2-member team ng Embahada sa Oslo, Norway.
Inaaalalayan ni Consul General Ma. Elena Algabre ang tiyahin ni Mailyn sa Norway para sa repatriation ng kanyang pamangkin gayundin ang pagkalap ng karagdagang impormasyon sa mga awtoridad kaugnay sa kaso.
-Bella Gamotea