Napilitang magtaas ng presyo sa kanilang paninda ang ilang may-ari ng karinderya makaraang magpatupad kahapon ng dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG), partikular ang Petron at Shell.

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) ang P2.30 hanggang P2.35 price hike ng Petron at Shell sa kada kilo ng LPG, katumbas ng P25.30- P25.85 dagdag sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.

Bukod pa rito ang P1.30 taas-presyo sa kada litro ng Auto-LPG, ng dalawang kumpanya.

Dahil sa malaking dagdag sa presyo ng cooking gas, napilitan ang ilang carinderia owner na itaas sa P40 ang bawat serving ng kanilang ulan, na dati ay P35 lang, dahil na rin sa mahal ng mga bilihin ngayon.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ang price increase ay bunsod ng paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.

Setyembre 1 nang huling nagtaas ang Petron ng P1.95 sa kada kilo ng LPG, habang P1.10 sa Auto-LPG nito.

-Bella Gamotea