SAN FRANCISCO (AFP) – Ibinunyag nitong Lunes ng bilyonaryong si Paul Allen, katuwang ni Bill Gates sa pagtatag sa US software giant na Microsoft noong 1975, na muli siyang nakikipaglaban sa cancer.

Sinabi ni Allen sa isang tweet at sa kanyang website na nagbalik ang non- Hodgkin’s lymphoma na nilabanan niya siyam na taon na ang nakalipas. Naaapektuhan ng incurable cancer ang white blood cells.

‘’My team of doctors has begun treatment of the disease and I plan on fighting this aggressively,’’ ani Allen. ‘’My doctors are optimistic that I will see good results from the latest therapies, as am I.’’

Si Allen, 65, ay kabilang sa pinakamayayamang tao sa mundo. Umalis siya sa Microsoft noong 1983 at naging founder at chairman ng Vulcan Inc. Siya ay pilantropo, na sumusuporta sa kapaligiran, edukasyon, agham at marami pang iba.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture