JAKARTA, PALU (AFP, REUTERS) – Dalawang lindol ang magkasunod na tumama sa isla ng Sumba sa southern coast ng Indonesia kahapon ng umaga, sinabi ng United States Geological Survey.

Tumama ang mababaw at bahagyang malakas na 5.9 magnitude na lindol dakong 2359 GMT, may 40 kilometro sa Sumba, isang isla na mayroong 750,000 populasyon.

Makalipas ang 15 minuto ay sinundan ito ng mas malakas na 6.0 magnitude na lindol sa parehong lugar sa lalim na 30 km. Wala pang iniulat na pinsala.

Matatagpuan ang Sumba may 1,600 km sa hilaga ng isla ng Sulawesi na tinamaan ng 7.5 magnitude na lindol na nagbunsod ng dambuhalang at tsunami nitong Biyernes ng gabi.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

NAILIBING SA SIMBAHAN

Samantala, nadiskubre ng Indonesian rescue workers ang mga bangkay ng 34 estudyante na nasawi nang lamunin ng mudslide na dulot ng lindol sa Sulawesi ang kanilang simbahan.

‘’A total of 34 bodies were found by the team,’’ sinabi ni Indonesia Red Cross spokeswoman Aulia Arriani sa AFP kahapon, idinagdag na 86 estudyante ang naunang iniulat na nawawala mula sa Bible camp sa Jonooge Church Training Centre sa Sigi Biromaru district, sa timog silangan ng Palu City.

UMAASA PA RIN

Unti-unti nang lumilinaw ang lawak ng pinsala ng tsunami-qauke kahapon sa paglapit ng rescuers sa mga libib na lugar na walang balita sa nakalipas na tatlong araw.

Pinangangambahan ng mga opisyal na aabot sa libu-libo ang mga nasawi, ngunit ang kumpirmadong bilang kahapon ay nasa 844 na, karamihan ay sa Palu City, may 1,500 km ang layo sa hilagang silangan ng Jakarta.

Ilang bangkay ang dinala sa mass grave kahapon habang patuloy ang rescuers sa paghahanap sa mga bikltima sa ilalim ng mga guho.

“We suspect there are still some survivors trapped inside,” sinabing pinuno ng rescue team, Agus Haryono, sa Reuters sa gumuhong Hotel Roa Roa.

Sinabi ni Chief security minister Wiranto nitong Lunes na sinisikap ng gobyerno na matugunan ang mga pangangailangan ng survivors at tatanggapin ang tulong ng ibang bansa.

“Right now, we need emergency aid,” ani Wiranto, na ang tinutukoy ay ang foreign aid na ililipad patungong Palu.