ANG 16-year-old na si Golden Cañedo, na tubong Cebu ang kinilalang unang The Clash Grand Champion sa intense singing battle show ng GMA Network na The Clash.

Golden

Nitong Sabado, Setyembre 29, ginanap ang grand battle ng top six clashers sina Anthony Rosaldo ng Valenzuela; Garrett Bolden ng Olongapo; Golden Cañedo ng Cebu, Jong Madaliday ng North Cotabato; Josh Adornado ng Cagayan de Oro at Mirriam Manalo ng Pampanga. Natanggal sa kanila si Anthony, at ang natirang magkakatunggali ang bumuo sa Final 5 Clashers.

Ginanap ang grand finals sa Studio 7 ng GMA Network, unang napiling kumanta si Mirriam at siya ang pumili kay Golden Canedo na kasunod niyang kakanta, na sinundan na nina Jong, Garrett, at Josh.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Maraming twist sa singing battle na ito kaya kailangan ng mga contestant na maghanda lagi para mga maaaring maganap. Bago magsimula ang kantahan, inihayag ng Clash Master at Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na pagkatapos nila kumanta ay pipiliin sa kanila ang dalawang mang-aawit na maghaharap, sa huling pagkakataon, para sungkitin ang tropeo at titulo.

Kita sa mga hurado, na sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas, ang hirap sa pagpili ng sa pagitan nina Golden at Jong, ang last two standing contender ng show. Kahit si Regine ay natagalang basahin ang pangalan ni Golden, na talagang napaiyak sa tuwa.

Bilang pagtatapos ay kinanta ni Golden ang theme song ng The Clash, kasama ng 12 iba pang contenders.

Tumanggap si Golden ng one year management contract from GMA Network, na iginawad ni Ms. Lilybeth Rasonable, ang Senior Vice President for GMA Entertainment, isang brand new car, Bria house and lot na iginawad ni Senator Cynthia Villar, at P1,000,000 cash prize.

Nakatanggap din ang apat na finalists na sina Mirriam, Garrett, Josh at Jong tig-P100,000.

Samantala, iniuwi naman ni Esterlina Olmedo, ang tinaguriang “Mommy Tiger Ng Cebu”, ang 2018 Most Loved Clasher award, at nakatanggap ng premyong P100,000.

Bilang selebrasyon ay magkakaroon ng The Clash of 2018 Concert na mapapanood sa Linggo, Oktubre 7, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Kasama ang final five clashers bagong musical show ng GMA 7 na Studio 7 na mapapanood na sa Oktubre 14.

-Nora V. Calderon