MAGPAPADALA ang Antipolo City ng kanilang kinatawan sa napipintong Tagum Fiesta National Open Rapid Chess Championships na susulong sa Nobyembre 24-25 sa RDR Gymnasium, Davao del Norte Sports Tourism Complex sa Tagum City.

Ang Antipolo City na pinangalanan na Antipolo City Youth Chess Club ay binubuo nina Fide Master Christopher Castellano, Jayson Levin Tapia at Team Captain Jason Rojo habang si Sonny Dela Rosa ang magsisilbing coach ng nasabing koponan.

Huling nasilayan ang Antipolo City sa National Inter Cities Chess Team Championships na ginanap sa Tarlac at nagtapos ng 9th place.

Nakalaan ang top prize P100,000 sa magkakampeon ayon kay Fide National Arbiter Joseph “Jojo”Palero sa event na inorganisa nina Board Member Alfred De Verya III at Hon. Homer A.Rotulo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

P50,000 naman ang naghihintay sa runner-up place habang P30,000 naman sa third place.

Dagdag naman nina National Arbiters Ely Acas at Alfred Moulic ay ipapatupad ang 7 Round Swiss-System, 15 minutes plus 3 seconds increment kung saan ang Team Average rating ay 2100 and below base sa August 1 NCFP rating list.