TENERIFE, Spain – Nakumpleto ng Team USA ang ‘three-peat’ sa FIBA Women’s basketball World Cup nitong Linggo.

Sa kabuuan, nakamit ng Americans ang ika-10 titulo sa torneo at masiguro ang slots sa 2020 Tokyo Olympics matapos gapiin ang Australia, 73-56, na dinaluhan ni Reyna Letizia ng Spain.

Matikas ang simula ng USA, world champions sa 2010 at 2014, sa impresibong 10-0 run tungo sa panalo laban sa 2006 world champion.

Nanguna si Breanna Stewart sa USA sa naiskor na 10 puntos at team-high 8 rebounds, habang kumana sina Brittney Griner ay Liz Cambage sa pinagsamang 15 puntos.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Nakamit naman ng host Spain ang ikatlong puwesto nang pabagsakin ang Belgium, 67-60.