Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng simulation activity sa plebisitong idaraos para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nasa early stages pa lang sila ng pagpaplano ngunit isa ang simulation ng botohan sa BOL sa balak nilang isagawa dahil na rin sa iba’t ibang uri ng balotang gagamitin dito.

“The reason we need to simulate is we want to see how usable those ballots are. Again, it’s not a simple question of yes or no. The questions are taking into consideration iyong constitutional requirement that when you conduct aplebiscite,” paliwanag ni Jimenez.

Aniya, ang tentative schedule ng simulation activity ay sa ikalawang linggo ng Oktubre, at posibleng idaos sa punong tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila, o sa isang paaralan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sa ngayon pinag-uusapan kung dito gagawin sa building na ito or hahanap ng ibang eskwelahan na gagawan ng simulation... Tentative window sort of coincide with the filing of COC (Certificate of Candidacy),” aniya pa.

Ang plebisito para sa ratipikasyon ng BOL ay idaraos sa Enero 21, 2019 habang ang plebiscite period ay itinakda mula Disyembre 7, 2018 hanggang Pebrero 5, 2019.

Ang campaign period naman ay sa Disyembre 7 hanggang Enero 19, 2019.

-Mary Ann Santiago