SA unang pagkakataon sa kasaysayan ng pageant, magsasagawa ang isang national pageant ng psychological preparedness assessment sa mga kandidata nito upang malaman ang kahandaan nito na i-commit ang kanilang sarili sa organisasyon.

Dr. Jumel

Dr. Jumel

Ito ang inihayag ni Dr. Jumel Bornilla, pangulo ng Mr. Universe Tourism Organization, na sinabing magiging bahagi ng assessment ang panayam sa mga taong malapit sa kandidata, tulad ng guro, katrabaho o kapamilya. Gayunman, isasagawa ang mga interview ng may pahintulot ng kliyente.

“Together, testing and assessment for the candidates of the Mister Universe Tourism pageant allows a psychologist to see the full picture of a person’s strengths and limitations,” pahayag ni Bornilla sa exclusive interview.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Ayon pa kay Bornilla, magkakaroon din ng psychological preparedness test na isasagawa ng grupo ng mga lisenyadong clinical psychologists na kinuha ng MUT mula sa kanilang sariling medical facility.

“Being a title holder will empower that person to influence the world, in our case the universe. Empowerment will give that person a leeway to influence people, more importantly the youth. Hence, that person should be psychologically well without a tinge of derangement,” ani Bornilla.

“Aperson might look WELL but psychotic inside, which is very dangerous.”

Samantala, ipapakilala ang mga opisyal na kandidata ng Mister Universe Tourism 2018 sa media sa Oktubre 8. Habang nakatakda ang Coronation night sa Makati City sa Oktubre 16.

Ang mananalong kandidata ang siyang kakatawan sa Pilipinas sa international edition ng patimpalak. Makakatanggap siya ng year-long salary, one-year stay sa isang luxury apartment, isang car service na may kasamang driver, assistant, at isang bodyguard, gym membership, libreng pag-aaral sa isang personality development school, at marami pang iba.

-Robert R. Requintina