MATAPOS makapagpahinga nitong Sabado, target ng Philippine women’s chess team na maipagpatuloy ang pananalasa kontra sa Spain sa sixth round ng 43rd Chess Olympiad Linggo ng gabi sa Sports Place sa Batumi, Georgia.

Ang 43rd seed Philippines ay galing sa 2-2 draw kontra sa 25th seed England nitong Biyernes ng gabi.

Sina Woman Fide Master Shania Mae Mendoza (Elo 2113) at Woman International Master Bernadette Galas (2080) ang nagtala ng panalo kontra kina Woman Fide Master Louise Head (2161) at Woman International Master Sue Maroroa (2112) sa board three at four, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman pinalad sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (2287) at Woman International Master Catherine Perena-Secopito (2157) matapos matalo kontra kina International Master Jovanka Houska (2402) at Fide Master Akshaya Kalaiyalahan (2253) sa boards one at two.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang country’s female squad, nasa pangangasiwa ni team captain Grandmaster Jayson Gonzales, ay may kabuuang pitong match points mula sa 13 game points, at umakyat sa 31st place.

Ang 15th ranked Spain ay galing naman sa pang-bobokya sa 45th ranked Brazil, 4-0.

Sa men’s division, natamo naman ng Philippines ang ika-3 sunod na kabiguan sa 1.5-2.5 na resulta sa kamay ng No. 102 seed Lebanon, at lumagapak sa 101st place.

Bigo si Grandmaster John Paul Gomez (2464) kay Fide Master Amro El Jawich (2276) sa board two maging si Fide Master Mari Joseph Logizesthai Turqueza (2360) sa board four.

Nakipaghatian ng puntos si Grandmaster Julio Catalino Sadorra (2553) kay International Master Fadi Eid (2328) sa board one habang angat naman si International Master Haridas Pascua (2435) kay Candidate Master Maroun Tomb (2177) sa board three.

Ang men’s team squad, ginagabayan ni team captain at Asia’s First Grandmaster Eugene Torre, ay may four match points mula 10.5 points, sunod na makakalaban ang 151st seed Jersey na binasura ang 178 seed Burundi, 4-0.