NANANAWAGAN ang Oceana, ang pinakamalaking ocean conservation at advocacy organization sa buong mundo, sa pamahalaan na maglabas ng panuntunan na magpoprotekta sa pangunahing mga fishing grounds ng bansa sa iba’t ibang bayan mula sa labis na panghuhuli at ilegal na pangingisda upang masiguro ang kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

“The policy, as among those provided for under the amended Fisheries Code, pertains to the designation of Fisheries Management Areas, or FMAs, in the country. It is envisioned that a comprehensive science-based fisheries management plan will be enforced on these areas to ensure sustained productivity and protect them from overfishing, illegal fishing and destructive fishing practices that destroy critical marine habitats,” pahayag ni environment lawyer Gloria Estenzo Ramos, vice president ng Oceana Philippines.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng designasyon ng FMAs upang muling buhayin at mapanatili ang mayaman na fishing grounds ng bansa kung saan karamihan umano ay ikinokonsiderang “overfished.”

“Our fishing grounds are in dire need of compelling interventions, with the continued encroachment of commercial fishers in municipal waters and the lack of effective management by local authorities – except, of course, for some local champions who are showing the way to effectively manage their municipal waters which has tremendously benefited their constituents,” paliwanag ni Ramos.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Kamakailan lamang, naglabas ang Department of Interior and Local Government ng isang memorandum circular para sa mga coastal local government units na limitahan at bantayan ang aktibidad ng pangingisda sa kani-kanilang nasasakupang tubig. Binibigyan din nito ang pagkakataon ang mga LGU para sa ‘self-validating transparency and monitoring tool” sa pagtataya ng kanilang pagsunod sa naamyendahang Fisheries Code.

Pagdadagdag pa ni Ramos, nagsagawa na rin ng konsultasyon nitong nakaraang taon, upang bumuo ng mga patakaran sa fisheries management areas para sa mga pangunahing fishing grounds sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

“There is already a draft Fisheries Administrative Order on the designation of around 15 FMAs in the country and outlining the management plan for these FMAs. These rules are urgently needed now, especially in the Visayan Sea, which is a major fisheries area for sardines, blue swimming crabs, and squid, producing around two million kilos of wildish annually, and providing half a million municipal and commercial fishers with livelihood,” aniya.

Direktang natutulungan ng Visayan Sea ang 100,000 mangingisda at mahigit isang milyong residente sa 33 bayan sa limang probinsiya Cebu, Iloilo, Negros Occidental, Masbate, at Capiz.

Lumalabas sa pag-aaral ng BFAR ang patuloy na pagbaba ng huling lamang-dagat sa Visayan Sea simula noong 1980, dulot umano ng madalas na blast fishing gayundin ang paggamit ng mga trawls na nakasisira sa mga katubigan.

PR