PALU (AFP) – Inihahanda na kahapon ang mass graves para sa daan-daang biktima ng Indonesian quake-tsunami habang nilalabanan ng mga awtoridad ang pagkalat ng sakit at sinisikap maabot ang mga desperadong mamamayan na nakulong sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

Sa pag-akyat ng bilang ng mga nasawi sa mahigit 830 at inaasahang tataas pa sa nasirang isla ng Sulawesi, dumarami ang mga nagtatanong kung bakit hindi gumagana ang early tsunami-warning system.

Tumama ang malakas na 7.5-magnitude na lindol noong Biyernes, gumuho ang mga gusali at humampas ang mga dambuhalang alon sa Palu, isang lungsod na may 350,000 populasyon.

‘’The casualties will keep increasing,’’ sinabi ni national disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho. ‘’We will start the mass burial of victims, to avoid the spread of disease.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina