PATULOY ang paglaganap ng e-Sports sa bansa at kapaki-pakinabang na ang pinakabagong kinahuhumalingang sports sa kaban ng bayan.
Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, bukod sa licensing sa torneo at sa mga players, kumikita ang pamahalaan sa e-Sports dahil sa tax na binabayan nito sa itinatakdang prize money.
“e-Sports is now one of the sports sanctioned and supervised by GAB. Nakatutuwang isipin na sa prize money nila na umaabot ng milyon, kumikita ang pamahalaan sa tax,” pahayag ni Mitra sa media forum sa mga miyembro ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).
Aniya, sa buwan lamang ng Setyember dalawang malaking e-sports event ang gaganapin sa bansa which offers million of prizes. Minsan pa dolyar ang premyo nila,” sambit ng dating Palawan Governor at Congressman.
Nitong weekend, isinagawa ang Arena of Valor Cup Season 3 Grand Finals: Road to Arena of Valor (AOV) International Championship at Cross Fire Elite Season 2 sa High Grounds Café, Tomas Morato, Quezon City.
Ang AOV International Championship ay nilahukan ng dalawang koponan mula sa Pilipinas – MaxiBox Gaming at Bren Sports – kontra sa Singapore, Thailand at Malaysia. Ang magwawagi ay sasalang sa AOV International Championship sa Singapore.
Limang koponan naman ang naglaban-laban sa Cross Fire Elite.
‘e-Sports is so popular for the millennial. At sa dami ng mga naglalaro, talagang lumalawak ang community ng mga players. We heard that several Schools are now offering courses related in e-sports,” pahayag ni Mitra.
Kamakailan, nilagdaan ni Mitra at GAB Commissioners Atty. Eduard Trinidad at Mar Masanguid ang resolusyon para tanggapin ang e-sports bilang professional sports sa bansa.
“Sa ganitong paraan, masisiguro natin na mabibigyan ng pamahalaan ng proteskyon ang sports at mga atleta nito kabilang na ang promosyon sa responsible gaming,” sambit ni Mitra.
-EDWIN ROLLON