TATLONG beses napabagsak ni Pinoy boxer Romeo “Ruthless” Duno ang matibay na si Mexican Ezequiel “Sheke” Aviles kahapon sa Fantasy Springs Resort Casino sa Indio, California sa United States.

Hindi man nakuha ang TKO, nakamit ng Pinoy ang unaminous decision win.

Nagsilbing undercard ang sagupaan nina Duno at Aviles sa unang laban sa super lightweight division ni dating WBA lightweight titlist Jorge Linares ng Venezuela na pinatulog sa loob ng tatlong rounds ang pinsan ni dating world champion Miguel Cotto na si Abner Cotto ng Puerto Rico.

“Lightweight Romero Duno (18-1, 14 KOs) scored an eight round unanimous decision over Ezequiel Avilez (16-3-3, 6 KOs) Duno dropped Avilez at the end of round one, twice more in round six, and had Avilez out on his feet at the final bell. Scores were 78-71 on all three cards,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ito ang ikalimang panalo ni Duno sa Amerika mula nang patulugin sa 2nd round ang pambato ng Golden Boy Promotions na si Christian Gonzalez noong Marso 10, 2017 sa Belasco Theatre, Los Angeles, California.

-Gilbert Espena