Patay ang isang 11-anyos na lalaking miyembro ng Philippine Team, matapos na mahulog mula sa upper deck ng tinutulugang kama sa loob mismo ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila, nitong Sabado.

Naisugod pa sa Adventist Medical Hospital ngunit nasawi rin si Rastafari Daraliay, 11, miyembro ng Wushu Taolu Junior Athlete ng Philippine Team, at taga-Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa ulat ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:00 ng umaga at mahimbing na natutulog ang biktima sa upper deck ng kama sa Room 8 ng Philippine Center for Sports Medicine Building sa Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo Street, Malate, nang bigla na lang itong mahulog.

Nagulat na lang umano ang mga atletang kasamahan ng bata nang makarinig ng malakas na kalabog, hanggang nakitang nakahandusay sa lapag ang biktima.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Hindi inakalang matindi ang pinsala ng bata, ibinangon na lang ito ng mga kasamahan at inilipat sa mababang higaan at ipinagpatuloy ang kanilang pagtulog.

Dakong 8:00 na ng umaga nang maisugod sa pagamutan ang paslit nang makitang bumubula ang bibig nito.

-Mary Ann Santiago