TOKYO (Reuters) – Ibinuwal ng malakas na bagyo ang mga punongkahoy na bumagsak sa mga riles ng tren at nagkalat ang mga basura sa Tokyo sa pananalasa nito sa kabisera ng Japan kahapon, na ikinamatay ng dalawang katao, ikinasugat ng 130, at ikina-stranded ng libu-libo sa pagsara ng mga linya ng tren o mahabang pagkaantala.
Nilaslas ng Bagyong Trami ang kanluran ng Japan nitong Linggo ng gabi at nagbabanta ng malalakas na ulan, hangin at mga landslie sa dulong hilaga ng isla ng Hokkaido, sinabi ng Japan Meteorological Agency. Ang isla ay matinding tinamaan ng lindol nitong nakaraang buwan.
Ang bagyo, nasa Tropical Storm Risk bilang category 1, ay ang pinakamababa sa five-point scale. Dalawang katao pa ang nawawala, at halos 400,000 kabahayan ang walang kuryente. Mahigit 230 flights ang nakansela, karamihan ay sa hilaga ng Japan.