MASUSUBOK ang kakayahan ni Singaporean Muhamad Ridhwan na kakasa kay two-division world champion Paulus Ambunda ng Namibia para sa International Boxing Organization (IBO) super bantamweight title sa Sabado sa Marina Bay Sands Hotel sa Singapore City, Singapore.

Itataya naman ni IBO bantamweight champion Michael Dasmariñas ang kanyang world rankings sa pagkasa sa knockout artist at walang talong super bantamweight boxer na si Manyo Plange ng Ghana sa 10-round bout.

May kartadang 11 panalo, 8 sa knockouts si Ridhwan samantalang ang makakalaban niyang si dating WBO bantamweight at IBO super bantamweight champion ay may rekord na 26 panalo, 2 talo na may 11 pagwawagi sa kncokouts.

Kasalukuyan namang nakalista si Dasmarinas bilang No. 5 contender sa WBC rankings na bakante ang titulo at No. 9 challenger kay IBF bantamweight champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kailangang magwagi si Dasmariñas para magkaroon ng pagkakataon sa WBC title na nabakante nang mag-overweight ang dating kampeon na si Luis Nery ng Mexico sa huling depensa nito.

Maganda ang rekord ng 30-anyos na si Plange na perpektong 17 panalo, 15 sa pamamagitan ng knockouts, ngunit ngayon lamang siya sasabak sa labas ng Ghana.

Maganda rin ang kartada ni Dasmariñas na 28 panalo, 2 talo na may 19 pagwawagi sa knockouts at huling lumaban nang palasapin ng pagkatalo via 4th round knockout si dating WBC No. 3 bantamweight Karim Guerfi ng France noong nakaraang Abril 20 sa Indoor Stadium sa Singapore City.

-Gilbert Espeña