KATAKUT-TAKOT na bashing ang natanggap ni Maureen Wroblewitz sa pagpasok niya sa Eat Bulaga. Ngayong Biyernes pa lang siya mag-i-isang linggo sa noontine show, pero parang isang buwan na ang tinagal niya sa rami ng bashers na talaga namang hindi tumitigil sa pambabash sa kanya.

Maureen copy

Ilang netizen ang nag-akusa kay Maureen na nakipaglandian lang sa unang araw pa lang niya sa Eat Bulaga. May tumawag naman sa kanya na walang career, walang talent, square face at ang grabe pa, may mga basher na pinaaalis na siya sa show, huh.

Siyempre, hindi naman nanahimik lang si Maureen laban sa mga paratang sa kanya, lalo na sa mga akusasyong nakikipaglandian lang siya.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

“I wasn’t flirting with anyone,” pahayag ng Asia’s Ne x t To p Mode l grand winner.

Ang latest na bashing kay Maureen, ay mukha raw siyang transgender at sana raw ay ‘wag siyang isama sa sitcom na Dadd’y Gurl nina Vic Sotto, Maine Mendoza at Wally Bayola. Giit pa nga ng netizen, dahil wala raw career sa modeling si Maureen ay didikit siya sa Aldub para sumikat.

Hindi pala talaga mananahimik nalang ang modelo at gaganti ng sagot sa mga nambabatikos, “What’s wrong with looking like a transgender?,” sagot ng dalaga.

Gayunman, mas marami pa rin ang nag-welcome kay Maureen sa Eat Bulaga at mas marami ang natutuwa na kabilang na siya sa Dabarkads . Pinayuhan din nila si Maureen na ‘wag nang pansinin ang bashers at i-enjoy lang ang ginagawa

-NITZ MIRALLES