Isasailalim sa lifestyle check si dating Philippine Drug Enforcement Agency- National Capital Region (PDEA-NCR) Director Ismael Fajardo, Jr., matapos sibakin sa puwesto dahil sa umano’y nalalaman sa P6.8 bilyong smuggled shabu.

Kasabay nito, pinaiimbestigahan na rin ng PDEA si Fajardo sa isyu ng katiwalian.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hiniling ng ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) at PDEA internal affairs na imbestigahan at isailalim sa lifestyle check si Fajardo.

Sinibak ni Pangulong Duterte si Fajardo dahil sa pagkawala ng P6.8 bilyong shabu, na sinasabing laman ng nadiskubreng magnetic lifters.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Sinabi ni Aquino na hinihintay na lamang ng PDEA ang committee report mula sa Senado at Kamara, na kanilang gagawing basehan para sa pagsasampa ng kaso laban sa sangkot sa pagkawala ng kontrabando.

Si Col. Ric Santiago ang papalit kay Fajardo, ayon kay Aquino.

-FER TABOY