FEELING good and happy ang aming naramdaman pagkatapos naming panoorin ang pelikulang Hapi Ang Buhay The Musical sa Red Carpet premiere nito sa SM Megamall.

Victor copy

Simple lang ang istorya at walang masasabing kilalang artista dito maliban kina Victor Neri, Antonio Aquitania at Mike Magat pero nakaka-good vibes ang bawat eksena, na halos lahat ay paawit ang mga dialogue ng mga karakter.

Mula sa panulat ng pamosong direktor na si Carlo Ortega Cuevas na itinanghal na Best Director in Foreign Language Film sa kanyang pelikulang Walang Take Two sa International Filmmaker Film Festival Of World Cinema sa London, at Best New Comer Filmmaker Of The Year sa World Film Awards sa Jakarta, Indonesia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang huling pelikula ni Direk Carlo ay ang Guerrrero na nanalo naman kamakailan ng Best Feature Comedy Film sa Armsterdam International Film Festival at Best Editing in Foreign Language Film sa Madrid International Film Festival 2018.

“Ang pinakadahilan namin kaya kami gumagawa ng mga pelikula sa EBC Films ay para makapag-promote ng values. At naniniwala ako na magagawa ang pagpo-promote ng values na hindi boring. Kaya ginawa namin ang lahat ng aming makakaya dito sa ‘Hapi Ang Buhay’ para makapagturo at makapagbigay ng inspirasyon nang hindi naman nakokompromiso ang entertainment values ng pelikula,” paliwanag ni Direk Cuevas pagkatapos ng red carpet premiere night ng pelikula.

“Filipinos love to sing and dance. It provides us the quick escape from life’s daily challenges. ‘Hapi Ang Buhay The Musical’ will not only make you laugh and sing but will also teach values through a satire of Filipino life,” sabi naman (in english only ) ni Robert Capistrano ng EBC Films.

Ang Hapi Ang Buhay ang pangalawang pelikulang binuo ng EBC Films upang tugunan ang kanilang misyon na makabuo ng mga pelikulang nakapagbibigay ng inspirasyon at kapupulutan ng aral, sa true lang.

-Mercy Lejarde