MALUPIT ang resbak ng Lyceum of the Philippines sa kahihiyang inabot sa nakalipas na laro nang tambakan ang Arellano University, 113-79,nitong Huwebes para masiguro ang playoffspot sa Finals Four ng 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Anim na Pirates ang ratsada sa naiskor na double digits, sa pangunguna nina Jaycee Marcelino at reigning MVP Jaymar Perez.Kumana si Marcelino ng 21 puntos, habang muntik nang mag-triple double si Perez sa naiskor na 10 puntos, 10 rebounds at siyam na assists para sa ika-13 panalo sa 14 na laro ng Pirates.

Nadungisan lamang ang Pirates ng Perpetual Help, 83-81, sa nakalipas na linggo na pumutol sakanilang pagtatangkang makaulit ng sweep sa liga.

Nag-ambag sina MJ Ayaay, Spencer Pretta, Raymar Caduyac at Jeff Santos sa naiskor na 16, 15, 13 at 11 puntos,ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“After that game, we went to charity. Something that being with those kids and parents, they need our support, more than crying and losing to Perpetual,” pahayag ni LPU coach Topex Robinson.

Sa laro,nalagpasan ng Pirates ang statistical records sa most points scored (113), most three-pointers made (14), most assists (27), most fast break points (34) at most bench points (81).

Laglag ang Chiefs sa 4-9.

Samantala, nanatiling nakatabla sa Lyceum para sa liderato ang San Beda nang magwagi sa San Sebastian, 82-75.

Iskor:

LPU (113) -- Jc. Marcelino 21, Ayaay 16, Pretta 15, Caduyac 13, Santos 11, Perez 10, Nzeusseu 7, Lumbao 6, Yong 5, Valdez 3, Tansingco 2, Cinco 2, Serrano 2, Ibanez 0.

AU (79) -- Concepcion 16, Canete 13, Alban 12, Dela Cruz 8, Sera Josef 8, Alcoriza 6, Viloria 4, Segura 3, Codinera 3, Ongolo Ongolo 2, Sacramento 2, Bayle 2.

Quarterscores: 25-15; 54-38; 76-55; 113-79.

SAN BEDA (82) -- Mocon 20, Bolick 18, Tankoua 16, Canlas 10, Soberano 9, Nelle 4, Abuda 2, Cabanag 2, Eugene 1, Presbitero 0, Doliguez 0, Oftana 0, Cuntapay 0, Tongco 0.

SAN SEBASTIAN (75) -- Bulanadi 23, Ilagan 20, Capobres 12, Calisaan 7, Calma 7, Dela Cruz 3, Sumoda 3, Villapando 0, Isidro 0, Are 0, Valdez 0.

Quarters: 25-21, 47-37, 63-60, 82-75.