SA Hollywood kapag naglabas ng autobiography ang isang celebrity ay asahan ninyong hitik ito sa controversial issues kaya bestseller agad. May mga librong isinulat nang walang permiso ng kinauukulan na tinatawag na unexpurgated version. Matatapang ang mga writers at handang mademanda.
On the local front ay nakiuso na rin dito ang mga showbiz personalities. Sanitized nga lamang ang libro at walang shocking revelations. Exception na lamang si Mark Bautista na mapangahas na umamin ng kanyang tunay na pagkatao, bagamat hindi detalyado.
N g a y o n n a m a n ay panahon na ni Jake Zyrus (Char i c e noon) para “mangumpisal” sa paglaladlad ng kanyang sex preference. I Am Jake ang pamagat ng isinulat niyang aklat kung saan tinawag niyang “Evil Queen” at abusive mother ang sariling ina. Dahil dito ay lalong lumala ang gap ng mag-ina na matagal nang hindi nagkikita.
Ang tanong, matiis kaya ng anak ang ina lalo na’t nalalapit na ang Kapaskuhan?
Sabi nga ni Dr. Love sa kanyang palatuntunan sa DZMM, kahit anong sama ng ina ay dapat pa rin itong mahilin dahil siya lamang ang iyong ina.
-REMY UMEREZ