Tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo Nograles na kumikilos ang administrasyong Duterte upang maresolba ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa inflation.
Batay sa survey ng Pulse Asia, anim sa 10 Pilipino ang nagsabing ang pangunahin nilang problema ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“The government is aware that rising prices is an urgent problem, our economic managers know what is causing it, and the appropriate steps are being taken to address it,” ayon kay Nograles.
Aniya, isinisisi ng economic managers ni Pangulong Duterte ang biglaang pagtaas ng presyo ng bigas sa pagsirit ng inflation.
Badya ni Nograles: “Malacañang just issued Memorandum Order (MO) No. 28, which directs the National Food Authority (NFA) to immediately release the rice stocks in its warehouses so that this can boost the supply of rice in the market. This is a decisive move that will force rice traders hoarding stocks to release their stocks, thereby protecting consumers from profiteers that are taking advantage of the situation.”
Sinabi rin niyang ang kautusan ng Pangulo na isailalim sa superbisyon ng Department of Agriculture (DA) ang NFA “is already reaping dividends, as the NFA Council is taking creative steps to improve its rice procurement efforts by providing incentives to rice farmers who sell their palay to the NFA.”
“Rice is life; the more expensive rice is, the harder the lives of our countrymen get. The corrolary is also true. Alam ni Presidente yan, kaya tinanggap nya ang pagbibitiw ni Jason Aquino bilang hepe ng NFA at may mga bagong direktiba sya para pababain ang presyo ng bilihin,” ayon kay Nograles.
-Bert de Guzman