SA panayam namin ng solo kay Direk Connie Macatuno pagkatapos ng presscon ng Wild and Free na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez, ay inamin niyang malapit sa karakter niya ang kuwento ng pelikula.

Sanya at Derrick copy

“Ha, ha, ha may nagsabi nga, eh, kung autobiography ko itong movie, siyempre kasi kilala nila ako noong dalaga ako na masyado akong wild!,” tumatawang bungad ni direk Connie.

Pagpapatuloy pa, “But pa-sweet din naman ako. If you remember may ginawa akong pelikula na dalawang babae sa isang pelikula, ‘Romeo and Juliet’, 2006 (Mylene Dizon at Andrea del Rosario). Kaya hindi talaga ako sweety as in, pero sweety ako bilang nanay.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Dito (‘Wild and Free’) rin naman mayroon ding it’s a mix of growth, but basically ang highlight ng pelikula ay wala pa namang gumagawa sa love story na merong kine-carry out na intimate scenes ang ganitong edad by a girl director.

“Iba kasi ang execution ng babaeng direktor pagdating sa ganitong scenes, iba rin ang execution ng gay or male director. Ako, ‘yung excitement ko is sana mabigyan ng voice ‘yung female story teller on how she wants to show the intimate scenes between a man and a woman”.

Hindi naman daw nahirapan si Direk Connie na idirek sina Derrick at Sanya dahil bago ang lahat ay kinausap niyang mabuti ang dalawa.

“Mayroon kaming open communications at klaro naman sa kanila kung ano ang gusto kong makita sa eksena at klaro sa kanila ang value of realism, para authentic. Sabi ko, ayoko ng halik na parang kiniskis lang,” diretsong sabi ng direktora.

Ibig sabihin ay may espadahan ng mga dila sa Wild and Free, “yes! Dapat tinanong ninyo sila (Derrick at Sanya) kanina sa presscon kung ano ang pakiramdam na halikan ang isa’t isa kasi whether they will deny it or not, I saw it, eh and there is…,” pambubuking pa ni direk Connie.

Sa tanong namin kung walang suot na damit sina Derrick at Sanya, “in some parts, hindi na namin ginamitan ng plaster kasi open na sila sa isa’t isa. We do the scenes na maraming tao at wala na silang pakialam sa isa’t isa, nandiyan na, eh.”

Napa-wow na lang kami dahil imposibleng hindi nagkamali ng kilos ang dalawa, may sumilip o nakita ba sa camera?

“Secret! Panoorin mo ang movie,” panunuksong sagot sa amin ng wild na direktora.

Eh, teka, ang bilis naman ata ni Direk Connie, na mula sa wholesome movie niyang Mama’s Girl ay kasunod na ang Wild and Free?

“Hindi kasi nagti-TV ako rati, (‘Martin Late at Night’, ‘Paraiso’, ‘The Substitute Bride’, ‘Male Confessions’) so may wholesome rin naman. Pero sa movie, yes first time ko ang ‘Mama’s Girl’, pero kasi nanay na ako. I’m a mom.

“Ako as a mom, basically hinahango mo lang sa iba’t ibang aspeto ng buhay mo ang kuwento. I researched, I talked to them na ganito ang mangyayari, siyempre magbabato sila minsan din. Kaya basically, relate rin sa akin ang ‘Mama’s Girl’,” punto de vista ni Direk Connie.

Sabi ni Derrick nang dina-dub niya ang Wild and Free ay napapapikit siya sa maseselang eksena kaya sakaling hindi niya ipapanood ang pelikula sa mga kapatid ay sasabihin niyang ‘for adults ang movie.’

Expected na pala ni Direk Connie ang sasabihin ni Derrick dahil, “even in my Facebook, when I posted the trailer, siyempre may mga friends ako na we usually watched together at sasabihin kung puwedeng isama (mga anak), sabi ko, hindi puwede. Date night nating girls ito, it’s not for our kids.

“Even my son, I have a 15-year old boy, I didn’t let him read the script. I didn’t bring him to the set, pero in my other projects, kasama ko siya. ‘Yung anak ko kasi gustung-gusto niyang nagbabasa ng scripts, pero this time sabi ko, ‘this is not for you, you’ll gonna be surprise, you might not know what to see.”

Balik sexy movies na ang Regal na forte nila simula pa noong una kaming nakapanood year 1979 at nahinto lang nang mawala na ito sa uso. Pero nakagagawa pa rin naman sila sa pagitan ng mga taon hanggang 2003 at nahinto dahil nauso ang comedy, action at rom-com.

Ang The Escort nina Derek Ramsay at Lovi Poe ang huli naming napanood, noong 2016 iyon.

Prangka naming tinanong si Direk Connie kung bakit naging Wild and Free ang titulo ng naturang pelikula.

“I haven’t seen a film with this intimante scenes in a long time, or maybe hindi ganito ‘yung (madalas) nating makita, eh. Ang nakikita natin madalas, boso (naninilip), nakikita natin, ginagamit babae. Dito pinapakita na pareho silang nag-e-enjoy sa ginagawa nila,” katwiran sa amin ng direktora.

Inihambing naman ng bidang aktor sa pelikulang Fifty Shades of Grey ang Wild and Free, “hindi ko napanood ang 50 shades, eh,” mabilis na sagot ni Direk Connie.

Ano naman ang mapupulot na aral sa Wild and Free na hindi lang puro kaelyahan ang laman?

“May kuwento siya. Ang lesson ay depende sa point of view ng viewer. ‘Yung wild naman is depende sa tao kung ano ‘yung wild niya o freedom,” saad nito.

Ang tinitiyak ni Direk Connie ay siguradong pag-uusapan ng mga nakapanood ang pelikula kung ano ang dating sa kanila at kung anong aral ang puwede nilang mapulot mula rito.

-Reggee Bonoan