Inaprubahan ng Committee on Ways and Means nitong Miyerkules ang substitute bill sa House Bill 1240 na inakda ni dating pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, na naglalayong pagkalooban ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ng “juridical or corporate personality”.

Layunin ng panukala na itatag ang VMMC bilang pangunahing pagamutan ng gobyerno at mapreserba ang kahalagahan nito.

Sa kanyang explanatory note, kinilala ni Arroyo ang papel ng naturang ospital sa kasaysayan.

“The VMMC is one of the landmark institutions dedicated to honor the bravery and nationalism of Filipino soldiers. It is one of the historical institutions that remind us of the patriotism of our soldiers, [who are] ready to fight and defend our sovereignty,” ani Arroyo.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Binanggit niya ang serbisyo ng pagamutan sa mga kilalang lider sa pulitika, tulad nina Pangulong Sergio Osmeña at Carlos P. Garcia. Maging si yumaong Senador Benigno Aquino, Jr. ay na-confine sa VMMC nang siya ay mag-hunger strike noong martial law regime.

Mismong si Arroyo ay apat na taong naka-hospital arrest sa VMMC noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

-Bert de Guzman