Muling nakasama sa listahan ng top universities sa mundo ang University of the Philippines (UP) sa taong 2019, at sinamahan ito ng De La Salle University (DLSU).
Nasa ika-501 hanggang 600 ang rank ng UP habang ang La Salle ay nasa 801-100, sa listahan ng Times Higher Educations (THE) World University Rankings 2019.
Ang state university ang nag-iisang unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa THE world ranking noong 2017 at 2016.
Pumwesto rin ito sa ika-156 sa top 200 universities sa THE’s Asia University Ranking ngayong taon.
Ang Tsinghua University ng China ang pangunahing university sa Asia matapos nitong higitan ang National University of Singapore ng isang rank sa world rankings mula sa ika-22 pwesto.
Sa kabuan ng ranking, ang University of Oxford sa UK ang nasa unang pwesto sa listahan ng top university sa buong mundo, na sinundan ng University of Cambridge.
Nasa top 5 ang Stanford University, Massachusetts Institute of Technology at California Institute of Technology sa US.
Ang THE ay isang publication na nakatuon sa higher education at siya ring leading data provider sa mga unibersidad.
Nagsimula itong maglathala ng annual university ranking list noong 2004.
Nira-rank ng World University Rankings ang top 1,000 universities sa buong mundo gamit ang 13 performance indicators na hinati sa limang kategorya: teaching, research, citations, industry income and international outlook.
-Beth Camia