MULING papagitna ang mga batang beach volleyball talents sa pagpalo ng 2nd PVF - Tanduay Athletics Under- 18 Girls Indoor Volleyball Championship sa Linggo (September 30) sa multi-courts ng Tanduay Athletics Center (Cantada Sports Center) sa Taguig City.

Luicio tan

Kabuuang 12 koponan ang sasabak sa isang araw na tagisan ng husay nang mga players mula sa iskwelahan at club team ng Infanta, Balanga, Muntinlupa, Bacoor, Sapang Palay (San Jose del Monte), GMA, Caloocan, Molino, Parañaque at Quezon City.

Pangangasiwaan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) accredited international /national referees ang officiating.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Tulad nang nakasanayan ng pamilya Cantada, sa pamumuno ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, walang entry fee para a mga kalahok at libre ang pagkain at inumin.

Itinataguyod ang torneo ng Tanduay Athletics at ni tycoon Lucio ‘Bong’ Tan Jr.