MAY aral na matututunan kung bakit ligwak sa takilya ang pelikulang Hopefully Romantic na ang bida ay ang komedyanteng si Pepe Herrera.
Ayon sa film reviewer na si Mario Bautista ay bad timing ang showing dahil pawang malalakas na big budgeted movies ang nakatapat nito, gaya ng Goyo at The How’s of Us. Idagdag na rin ang kawalan ng clout ng upcoming comic man. Ito raw ay a case of too much too soon, sabi ni Mario.
Dahil mahal ang admission ticket ay masusing pinag-aaralan ng moviegoers kung aling pelikula ang kanilang tatangkilikin. Minsan ay hindi na nagiging batayan ng publiko ang talento para panoorin, kundi kung sino ang bida sa pelikula.
Halimbawa ay ang komedyanteng si Empoy. He is not an overnight sensation. Kaya naging big hit ang starrer niyang Kita Kita, pero ang dalawang sumunod na pelikula niyang Barker at Kusina Kings ay ‘di gaanong kumita.
Better luck next time nalang, Pepe.
-Remy Umerez