Hinamon ng Palasyo si Senador Risa Hontiveros na maglabas ng ebidensiya sa ibinunyag nitong ‘tara system’ sa loob ng National Food Authority (NFA) na sinasabing dahilan ng paglala ng krisis sa bigas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na umaasa sila na may matibay na ebidensiya si Hontiveros at hindi lamang ito bahagi ng political grandstanding.

Ayon kay Roque, hindi siya kumbinsido sa expose ng senadora lalo na’t kilala naman itong mahilig lamang magpasikat.

Sa privilege speech ni Hontiveros sa Senado, ibinunyag nito na aabo sa P2 bilyong halaga ang nakukumlimbat sa tara rice import na pinakikinabangan umano ni dating NFA administrator Jason Aquino.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinasabi ni Hontiveros na nasa P100 hanggang P150 ang tara na ipinapatong sa bawat sako ng inaangkat na bigas.

Una nang sinabi ni Roque na siya mismo ang magsasampa ng kaso laban kay Aquino kung walang maghahain ng reklamo dahil sa paglipat sa mahigit P5 bilyong pondo ng NFA na sana ay ipinambili ng palay mula sa mga magsasaka.

-Beth Camia