TOKYO (AFP) – Isang napakalaki at napakalakas na bagyo ang kumikilos patungong Japan kahapon, at nagbabala ang weather agency na hahagupitin ng bagyo ang bansa ngayong weekend, magdadala ng bayolenteng hangin at matinding ulan.

Ang Bagyong Trami, taglay ang lakas na hangin na 162 kilometro kada oras malapit sa sentro, ay nasa Pacific at kumikilos patungo sa mga katimugang isla ng Japan.

‘’As it is forecast to go across Japan at a high speed, we are urging people to be vigilant’’ isang araw bago ito tumama, sinabi ni Sakiko Nishioka mula sa meteorological agency.

Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran ngunit inaasahang kakambiyo patungong silangan, at tatamaan ang mga isla ng Okinawa at Amami ngayong araw, bago hahagupitin ang mainland sa Linggo, ipinahayag ng ahensiya.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

‘’Please be on high alert against violent winds, high waves and heavy rainfall,’’ aniya.

Nagkansela na ng mahigit 100 domestic flights ang dalawang pangunahing airlines ng Japan, ang JAL at ANA.