KUMITIL ng mahigit tatlong milyong katao ang alcohol sa buong mundo noong 2016, o isa sa 20 kaso ng pagkamatay, na limang porsiyento ng global disease burden, ayon sa report na inilabas ng World Health Organization (WHO), nitong Biyernes.

Ipinakita sa report, na may titulong Global Status Report on Alcohol and Health 2018, ang komprehensibong datos o kinalaman ng pagkonsumo ng alak at ang sakit na dulot nito sa buong mundo. Ipinakita rin dito kung ano ang hakbang na ipinatutupad ng mga bansa para mabawasan ang epektong tdulot nito.

Napa-alaman na ang kabuuang populasyon ng mga kasakuluyang manginginom ay aabot sa 2.3 billion, na mahigit sa kalahati ay binubuo ng tatlong WHO regions: ang America, Europe at ang Western Pacific.

Ayon sa WHO ang pagbabawas sa pagkonumo ng alak, ay makatutulong para makamit ang ilang health-related targets ng UN Sustainable Development Goals, kabilang ang maternal at child health, infectious diseases, non-communicable diseases at mental health, injuries at mga pagkalason.

National

Hontiveros, walang nakitang blangko sa 2025 budget

Ipinanawagan din sa report na magkaroon ng “proven, cost-effective actions”, gaya ng “increasing taxes on alcoholic drinks, bans or restrictions on alcohol advertising, and restricting the physical availability of alcohol.”

PNA