VIGAN, ILOCOS SUR – Maaaring namatay ang 15 kabataan na binakunahan ng Dengvaxia dahil sa epekto ng naturang dengue vaccine.

Sa isang forum dito kamakailan, sinabi ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na nakatutok ang Department of Health (DoH) sa 15 sa 62 kaso ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia na sinuri ng Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force.

“Iniisip natin na ito may possibility talaga na merong relationship sa bakuna kasi yung timeframe, it happened [within] six months; and then most of them I think really died of dengue,” ani Domingo.

Ngunit diin niya, “Hindi natin maeksakto pa because we probably need some more tests.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hanggat walang mas malalim na pagsasaliksik “it is still difficult to correlate.”

Ang pagkamatay ng 37 sa mga bata “appears to be coincidental only because the clinical features, such as leukemia and heart disease, and it happened after six-months. It would be difficult to relate it to the vaccine.”

Walo sa mga kaso ay “unclassified” dahil walang sapat na impormasyon tungkol sa mga nasawi.

Dalawa naman sa mga kaso ang walang case record. “Probably deaths at home, hindi na dinala sa ospital tapos death certificate nalang. Walang lab test or anything,” ani Domingo.

Inatasan ng DoH ang task force na suriin ang mga kaso ng mga bata namatay matapos na maturukan ng Dengvaxia.

“Of those deaths, 19 were definitely due to dengue. Meaning, they were vaccinated with Dengvaxia and somehow the vaccine either failed or yun ngang sinasabi natin [the one we are saying] na might have cause severe illness,” sabi ni Domingo.

Noong nakaraang Nobyembre, naglabas ang Sanofi Pasteur, ang French pharmaceutical company na gumagawa ng Dengvaxia, ng isang advisory na nagasasabing ang vaccine ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa mga batang nabakunahan na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Ito ay matapos mabakunahan ng Dengvaxia ang mahigit 800,000 batang mag-aaral.

Sinabi ni Domingo na balak ng DoH na kasuhan ang Sanofi bagong matapos ang taong ito.

“We just had a meeting with the Solicitor General two weeks ago, reconsolidating the case na ifa-file natin [that we will file] against Sanofi,” aniya.

“Yung sa atin, kasi binentahan tayo ng bakuna na nung una sinabi sa atin na safe for everybody then after... sasabihin nila na hindi naman safe for everybody. So parang ganun yung lines na what we are taking,” dagdag ni Domingo.

-Analou De Vera