MULING nagposte ng dominanteng panalo ang University of Santo Tomas, sa pamamagitan ng 85-55 panalo kontra Adamson kahapon sa UAAP Season 81 women’s baskletball tournament sa Blue eagle Gym sa Quezon City.

Kamakailan, nginata ng Tigresses ng 80 puntos na panalo ang University of the Philippines Lady Maroons.

Pinangunahan ni Grace Irebu ang ikalawang panalo ng UST sa itinala nitong 28 puntos at 13 rebounds kasunod si Sai Larosa na muntik ng naka-triple-double matapos umiskor ng 16 puntos, 10 rebounds, at 8 assists.

Ayon kay UST coach Haydee Ong, ginamit nila ang kanilang bentahe sa ceiling na siyang pinaghandaan nilang gameplan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“They don’t have a match-up for Grace Irebu. Yun talaga yung first option namin.”

“I think yung girls mas controlled on their offense. We’re having more patience sa offense and then they’re working hard sa depensa namin so I think yan yung key namin in this game,” aniya.

Si Irebu din ang nagbigay ng unang 30-puntos na bentahe ng UST sa laro, 79-49 may 3:36 pang oras na natitira sa laro sa pamamagitan ng isang post play.

Namuno naman para sa nabigong Lady Falcons sina Lady Rose Rosario at Grace Prado na may 13 puntos.

-Marivic Awitan