LIBRENG basketball clinic ang isasagawa ng American coaches na sina Cherokee Parks ng NBA at Alana Beard WNBA sa 150 coaches at mga guro ng Physical Education (PE) sa Davao region bukassa Almendras Gym, Quimpo Boulevard, Davao City.

Si Parks ay isang NBA Basketball Operations Associate buhat pa noong Oktubre ng taong 2017. Naging No. 12 sa overall 1995 NBA Draft si Parks at naglaro sa ika 12th season ng NBA sa mga koponan ng Dallas Mavericks, Minnesota Timberwolves, Vancouver Grizzlies, Washington Wizards, Los Angeles Clippers, San Antonio Spurs at Golden State Warriors.

Habang si Beard, naman ay four-time WNBA All-Star buhat noong 2005, 2006, 2007 at 2009 at naging kanilang ng WNBA All-Defensive Team honors ng anim na pagkakataon.

Ang nasabing proyekto ay ang pinangsanib na ideya ng U.S. Embassy at na Philippine Sports Commission (PSC).

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez na ang nasabing basketball clinic ay bahagi ng pagpapalawig ng ahensiya sa pagpapalaganap ng palakasan sa buong bansa.

“The clinic is in line with the agency’s continuous promotion and development of Philippine sports as well as strengthen international linkages through sports,” pahayag ni Ramirez.

Tutulong ang koponan ng Alaska Aces sa nasabing clinic upang asistihan ang mga lalahok sa naturang event.

-Annie Abad