BUNSOD nang mababang performance sa kampanya ng San Miguel Beer sa 2018 PBA Governor’s Cup, sinibak ng Beermen si import Arizona “AZ” Reid at pinalitan ni dating NBA player Kevin Murphy.

Matagal nang nais ni Murphy na makapaglaro sa PBA. At isang malaking pagkakataon ang naging desisyon ng SMB na ipahinga si Reid. Si Murphy ay talent din ni sports agent Sheryl Reyes, nangangasiwa rin sa career nina Justin Brownlee ng Ginebra at Henry Walker ng Blackwater Elite.

“I heard a lot of good things about the Philippines from my agent, Sheryl (Reyes). I can’t wait to meet my teammates and see the beautiful country,” pahayag ni Murphy sa phone interview ng Manila Bulletin.

Kinuha si Murphy ng Utah Jazz bilang 47th overall pick sa 2012. Bahagi ng three-team trade na kinabibilangan nina Andre Iguodala ng Warriors. Sa D-League, kilala siya bilang scoring machine.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang paglalaro ni Murphy sa PBA ay isang katuparan ng pangarap ng American scorer.

“I am so glad that Kevin (Murphy) is on his way to play his first PBA game,” sambit ni Reyes. “I scouted him along with Justin (Brownlee) but the timing was not right. I’m sure he will do great for San Miguel.”

Sa nakalipas na mga taon, nagalro si Murphy sa China, Japan at Croatia.

Tangan ng Beermen ang 2-2 karta at umamasa ang Beermen fans na makakaahon a n g k o p o n a n ngayong nadiyan si Murphy gayundin ang pagbabal i k l aro ni JunmarFajardo.

Nakatakda siyang dumating ngayon at inaasaahang lalaro sa Beermen sa Linggo (Sept. 30).

Sa college, naitala ng 6-foot-6 guard-forward ang averages na20.6 points, 5.2 rebounds at 2.3 assists.

-Ernest Hernandez