Hindi susuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang anumang plano na ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong bansa sa gitna ng mga espekulasyon na ang pagpapalutang sa planong pagpapatalsik sa Punong Ehekutibo ay isang paraan para mailatag ang batas militar.

“I think that is a very clear and stated by the AFP (Armed Forces of the Philippines) and PNP, we do not like that. It’s not part of our plan, we do not have a desire for that,” sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, Jr.

Ito ang kanyang reaksiyon sa pahayaga ni Vice President Leni Robredo na ang ouster plot na ipinalulutang kapwa ng Malacañang at ng militar, ang diumano’y Red October’, ay paglalatag ng daan para sa Martial Law.

Ayon kay Durana ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi nangangailangan ng deklarasyon ng Martial Law.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

“There are no indications the political economic condition is not conducive to imposition of a nationwide Martial Law,” ani Durana.

“We have unwavering loyalty to the Constitution, to the Filipino people and the duly-constituted authority,” idinugtong niya.

Kasalukuyang ipinapatupad ang Martial Law sa Mindanao kasunod ng nabigong Marawi City siege noong nakaraang taon.

Nauna rito, kinontra ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga pahayag ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez tungkol sa umiiral na planong pagpapatalsik sa Pangulo.

Gayunman, sinabi niya na patuloy silang nagmo-monitor at sineseryos ang anumang intelligence report kaugnay sa planong patalsikin si Duterte.

-Aaron Recuenco