HINIKAYAT ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ng Philippine Information Agency (PIA) ang mga kabataan na tumulong at makaiisa na labanan ang pagkalat ng maling balita o fake news sa pamamagitan ng kilusang “Youth for Truth.”
“We envision it as a bastion against disinformation by establishing a core group of youth advocates who will actively search and refute disinformation,” pahayag ni Benjie Felipe, PIA Senior Director for Strategic Communication, sa mahigit 961 kalahok para sa International Youth Assembly 2018 sa University of the Philippines sa Visayas.
Ayon kay Felipe, layunin nilang gawin ito sa pamamagitan ng “developing young minds ingrained with the values of truth, responsibility and integrity.”
“To fight fake news forever, our battle cry is “Dismiss disinformation!,” saad niya.
Upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon, kinakailangan umanong “attack and cripple” ang isa sa tatlong haligi—pagpapaganda sa istorya, malawak na distribusyon at paglaki—na bumubuo sa epektibidad ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
“For the PCOO we have to debunk the story first and foremost,” ani Felipe.
Sa kanyang presentasyon, tinalakay ng PIA director kung paano matutukoy ang isang fake news sa pamamagitan ng pagtingin sa limang C: content, communicator’s identity, creator’s intent, at consequence.
Sa pagtitiyak naman na tunay ang istorya, mahalaga umanong malaman kung saan nanggaling ang istorya, suriin kung maayos na naisulat at nailahad, at tingnan ang kredebilidad ng mga larawan, at silipin din ang “About Us” section.
Samantala, ilan namang kalahok ang tinuruan ni Director III Princess “Pebbles” Duque kung paano tatanggalin ang mga maling impormasyon.
“Sometimes when you share something, you think that you are helping but you are not. You’re actually being used as an avenue to share that fake information,” aniya.
-PNA