Mga Laro Ngayon

(Filoil Fying V Centre)

10:00 n.u. -- LPU vs AU (jrs)

12:00 n.t. -- SSCR vs San Beda (jrs)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

2:00 n.h. -- LPU vs AU (srs)

4:00 n.h. -- SSCR vs San Beda (srs)

Standings W L

LPU 12 1

San Beda 12 1

Letran 8 4

Perpetual Help 8 5

CSB 8 5

AU 4 8

Mapua 4 9

San Sebastian 4 9

EAC 2 11

JRU 2 12

INAASAHANG ibubuhos ng Lyceum of the Philippines Pirates ang ngitngit sa Arellano Chiefs sa kanilang pagtatagpo sa pagpapatuloy ng NCAA Season 94 men’s basketball second round elimination ngayon sa FilOil Center sa San Juan City.

NAPATINGALA na lamang ang mga miyembro ng Jose Rizal College nang maglambitin sa rim matapos ang two-handed dunk si Perpetual top man Prince Eze sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA men’s basketball elimination. (RIO DELUVIO)

NAPATINGALA na lamang ang mga miyembro ng Jose Rizal College nang maglambitin sa rim matapos ang two-handed dunk si Perpetual top man Prince Eze sa kainitan ng kanilang laro sa NCAA men’s basketball elimination.
(RIO DELUVIO)

Paanong babangon at babawi mula sa pagkadiskaril sa planong sweep ang tiyak na aabangan sa Pirates sa kanilang laro sa Chiefs ganap na 2:00 ngayong hapon.

Naputol ang 30-game winning streak ng Pirates nang masilat ng Perpetual Help, 81-83, nitong nakalipas na linggo. Bunsod ng kabiguan, nagtabla ang Lyceum at San Beda sa liderato tangan ang parehong karta na 12-1.

Natigagal din ang tangkang sweep ng Lyceum, sapat para maging dikit ang laban sa Final Four.

Napatatag ng Letran ang kapit sa No.3 nang pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College, 91-82, nitong Martes.

Sinundan naman ng Perpetual ang malaking panalo sa Lyceum nang dominahin ang Jose Rizal University, 85-73.

“The good thing about is, what I told them earlier in my pregame is fear and faith. Both are the same, both will be happening in the future that we have no control of,” pahayag ni LPU coach Topex Robinson.

“We chose the latter. Faith means believing in something that’s there, so that’s a good opportunity for us to stick together as a team.”

“What’s important is we stick to our values.”

“Sa tingin ko mas makakatulong ‘to sa amin, mas matututo kami as a player and as an individual, mas maraming matutunan pa ang team,” dagdag ni reigning Most Valuable Player CJ Perez.

Sa kabilang dako, magtatangka namang makaangat mula sa kinalalagyang ikalimang puwesto ang Chiefs(4-8) sa ilalim ng bago nilang coach na si Junjie Ablan.

Marivic Awitan

Iskor:

Letran (91) -- Taladua 15, Galvelo 15, Yu 13, Ambohot 10, Muyang 9, Quinto 8, Fajarito 8, Calvo 5, Celis 5, Mandreza 2, Agbong 1, Balagasay 0, Pambid 0, Banez 0.

EAC (82) -- Garcia 20, Laminou 16, Maguliano 16, Tampoc 11, Bugarin 6, Corilla 5, Neri 3, Mendoza 3, Cadua 2, Natividad 0, Gonzales 0.

Quarterscores: 18-15; 36-32; 67-54; 91-82.

Perpetual Help (85) -- Coronel 22, Razon 21, Eze 16, Aurin 5, Jimenez 5, Charcos 4, Cuevas 4, Mangalino 3, Tamayo 3, Pasia 2, Peralta 0.

JRU (73) -- Mendoza 22, Esguerra 21, Estrella 10, Aguilar 8, Dela Virgen 3, Mallari 3, David 2, Doromal 2, Silvarez 0, Bordon 0, Padua 0.

Quarterscores: 23-15; 40-36; 67-56; 85-73.