SA bahagi ng post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (IG) nitong Martes, inihayag niyang, “I am now broken...”.

Kris copy

Sa patuloy pa niyang kuwento, isiniwalat ni Kris na nasasangkot siya ngayon sa isang problema kung saan maaaring mawala sa kanya ang pinagpagurang pera na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

Niloko raw siya ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan.

Heart, dinidisiplina rin kahit ipinanganak na may-kaya sa buhay

Sa mahabang post ng TV host/actress, ipinaliwanag niyang kaya siya nananahimik sa social media ay dahil sa payo na rin ng kanyang legal team hanggat hindi pa natatapos ang kinahaharap na kaso.

“The reason you haven’t seen me post new pics is because I lost weight in the last 6 weeks, unable to eat or sleep properly,” mensahe niya.

Kalakip ng post ang photo slide ng mga larawn ni Kris bilang patunay na pumayat siya dahil kulang sa tulog dahil sa mga iniisip na problema.

Ngunit ngayon ay nagdesisyon na raw siyang magsalita tungkol dito dahil na rin sa paghanga ng supporters niya sa kanyang katatagan.

“I decided to set myself free & share w/ you what affected me.”

Makahulugang post ni Kris, “Broken trust is like shattered glass, as you try to pick up the pieces, your wounds bleed even more.

“My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my son’s trust funds, money I conscientiously saved for them because I made a deathbed promise to my MOM that Kuya Josh & Bimb will always comes first, baka mawala lahat ng pinagpaguran ko dahil sa kanila.

“It is WRONG that the 2 BOYS I LOVE THE MOST, MY LIFE’S MEANING & INSPIRATION may suffer consequences because I was targeted & deceived by a person with no conscience,” pahayag ng 47-anyos na aktres.

Ipinapaubaya na raw ni Kris ang settlement o legal battle sa kanyang mga abogado.

“Auditing and accounting firms I TRUST, the word of honor of his deeply shamed mother & sister that all my investments shall be returned, and our collective PRAYERS that JUSTICE for my sons will prevail...”

Hindi tinukoy ni Kris kung sino ang taong pinatatamaan niya.

Iniisip din daw ni Kris na may matututunan siyang aral kaya pinagdadaanan niya ang ganitong “humiliation.”

“To have first hand experience ‘pag niloko ka sa pinaghirapan kong pera—dahil nga may BOSES ako at ‘yung boses na ‘yun dapat gamitin para MAGSALITA at IPAGTANGGOL ang mga napipilitang manahimik.

“I still firmly believe: ang TAMA NILALABAN.”

-ADOR SALUTA