Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong isinampa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa blogger na si Drew Olivar kaugnay ng bomb scare na ipinost nito sa Facebook.

Kakulangan sa dokumento ang itinuturong dahilan ng prosecutor sa kasong isnampa ng NCRPO.

Ayon sa mga pulis, hinahanap ng DoJ ang IP address ng original post ni Olivar, at hindi tinanggap na screenshot lang ang ipinasa ng NCRPO sa kagawaran.

“Kailangan pa po naming makipag-coordinate sa Anti-Cybercrime Unit para po makumpleto ‘yung ebidensya namin sa pagsampa, pag-refer ng kaso ni Drew Olivar dito sa DoJ,” ayon kay Senior Insp. Myrna Diploma, ng NCRPO Public Information Office.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay NCRPO chief, Director Guillermo Eleazar, kinakailangang i-reschedule ang pagsasampa ng kaso kay Olivar, bagamat hindi na nagbigay ng iba pang

detalye si Eleazar tungkol sa petsa ng muli nilang paghahain ng kaso laban sa blogger.

Siniguro naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na hindi makalulusot sa kaukulang kaso si Olivar, kahit pa humingi na ito ng paumanhin sa nangyari.

Ayon kay Albayalde, nilabag ni Olivar ang Anti-Bomb Joke Law.

Nag-ugat ang kaso ni Olivar nang mag-post siya sa Facebook nitong Huwebes na nagbibigay-babala sa publiko sa posibleng pagsabog sa EDSA, na tulad ng nangyari sa Plaza Miranda noong 1971.

-Beth Camia