SA tuwing binibiro si Jolo Revilla kay Rhian Ramos, ang kanyang leading lady sa “72 Hours” episode ng pelikulang Tres, ay ngingiti lang ito at sasabihing, “ Huwag na nating lagyan ng kulay. We’re good friends,” sambit ni Jolo sa presscon ng Tres, nitong Lunes.

Rhian at Jolo copy

Dagdag pa ng actor-politician, “And... ahh... pero hindi niyo rin naman masisisi. Maganda siya. Mabait. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, di ba?”

Galing sa angkan ng mga Revilla si Jolo. Ang kanyang lolo na si dating senador Ramon Revilla, Sr., ay ‘di kailang na-link sa marami nitong leading ladies, ganoon din ang ama niya na si dating senador Bong Revilla, na habulin ng mga babae.

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

Kaya marami ang nainiwala na baka raw na-charm ng “agimat” ni Jolo si si Rhian.

Nang tanungin naman si Jolo kung naseseksihan at nagagandahan ba siya Rhian, malinaw niyang sabi, “Napakabastos ko naman kung sabihin kong hindi siya maganda, hindi siya hot!

“Pero siyempre, sa bawat pinagdadaanan namin sa buhay, magandang dahan-dahanin lang. Huwag nating mamadaliin ‘yung kung ano man, di ba?

“Dahil siyempre, ako, kakahiwalay lang. Siguro, hindi naman imposible. We’re good friends,” ani Jolo.

Wala namang masama kung ma-in love sila sa isa’t isa dahil pareho naman silang single ngayon, di ba?

-ADOR SALUTA