ABOARD THE KAGA, Indian Ocean (Reuters) – Sumama ang pinakamalaking warship ng Japan, ang Kaga helicopter carrier, sa naval drills kasama ang HMS Argyll ng Britain sa Indian Ocean nitong Miyerkules habang patungo ang barko sa pinagtatalunang South China Sea at East Asia.

Kapwa kinokontra ng Britain, Japan at kaalyado nilang United States ang lumalawak na impluwensiya ng China sa rehiyon sa pangambang kokontrolin ng mga Chinese ang pangunahing commercial sea lanes na nag-uugnay sa Asia sa Europe, United States at iba pang kontinente.

“We have traditional ties with the British navy and we are both close U.S. allies and these drills are an opportunity for us to strengthen cooperation,” sinabi ni Kenji Sakaguchi, ang Maritime Self Defence Force (MSDF) commander ng apat na helicopters ng Kaga group.

Nagsanay ang Argyll, Kaga at ang destroyer escort nito na Inazuma ng formations sa Indian Ocean malapit sa commercial sea lanes na dinaraanan ng container vessels at oil tankers. Tatlong helicopter mula sa Japanese carrier ang lumilipad a ibabaw, at binabantayan ang drill.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture