Nag-inspeksiyon kahapon ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pangunguna ni Undersecretary Ruth Castelo, sa mga pamilihan sa Metro Manila, partikular na sa mga shopping center sa San Juan City.

Layunin nitong mabantayan ang presyo at supply ng mga produkto, alinsunod sa itinakdang suggested retail prices (SRPs) ng DTI, at maprotektahan ang karapatan ng mga consumer laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Ikinatuwa naman ni Usec. Castelo na pasok sa SRP ang mga presyo ng bilihin, tulad ng kape, instant noodles, canned goods, gatas at iba pa, sa San Juan City.

Idinugtong ng opisyal na ilang produkto sa merkado sa mga binisitang pamilihan ang mas mababa pa ng P3-P4 sa itinatakdang SRP ng DTI.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Asahan ng publiko na paiigtingin pa ng DTI ang monitoring sa presyo at supply ng mga bilihin sa merkado kasunod ng pananalasa ng bagyong ‘Ompong’ at habagat.

Pinayagan na kamakailan ng Malacañang ang DTI na mag-angkat ng bigas upang mapunan ang kakulangan ng supply nito sa buffer stock ng National Food Authority (NFA), at tuluyang mapababa ang presyo nito sa mga merkado.

-Bella Gamotea