MAG-ISA lamang si Bill Cosby sa kanyang unang gabi sa kulungan, dahil sa isang seldang pang-isahan siya ikinulong na malapit sa infirmary. Ito ang unang araw ng kanyang tatlo hanggang 10 taong bubunuin sa loob ng bilangguan makaraang mapatunayang guilty sa kasong sexual assault.

Bill

Inanunsiyo ng mga opisyal na bilangguan nitong Miyerkules na bubunuin ni Bill — ngayon ay kilala bilang si Inmate No. NN7687 — ang kanyang parusa sa SCI Phoenix, isang bagong state prison na 20 milya ang layo mula sa gated estate, na pinangyarihan ng pangmomolestiya niya sa isang babae noong 2004. Nagbukas ang $400 million lockup dalawang buwan na ang nakaraan at kaya nitong makaokupa ng 3,830 preso.

Puwede namang magpakonsulta si Bill sa mga medical staff, psychologist at iba pang staff ng kulungan sakaling kailanganin siya. Sa ilalim ng polisiya ng bilangguan, papayagan ang 81 taong gulang na komedyante na tumanggap ng tawag sa telepono at bisitahin ng mga kaanak, gayundin, papayagan siyang makapag-ehersisyo kung nais niya.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Ang long-term goal ng kulungan ay ang isama si Bill sa karamihan, lahad ng mga opisyal.

“We are taking all of the necessary precautions to ensure Mr. Cosby’s safety and general welfare in our institution,” lahad ni Corrections Secretary John Wetzel sa isang pahayag.

Kasabay ng pag-a-adjust ni Bill sa bagong buhay sa likod rehas, ay nangako naman ang kanyang pamilya at mga publicist na ipagpapatuloy ang pakikipaglaban hinggil sa tatlong bilang felony sexual assault.

Tinawag si Bill bilang “one of the greatest civil rights leaders in the United States for over the past 50 years,” inihayag ni Andrew Wyatt nitong Martes na ang naturang trial ang “most sexist and racist” sa kasaysayan ng bansa.

-The Associated Press