SA sagupaan ng mga lightweight boxer na tatampukan ni dating WBA champion Jorge Linares ng Venezuela laban kay Abner Cotto ng Puerto Rico, magpapasiklab si Romeo “Ruthless” Duno na kakasa sa ikalimang pagkakataon sa Amerika.

Haharap si Duno laban kay Mexican Ezequiel “Cheke” Aviles sa Setyembre 29 sa Fantasy Springs Casino, Indio, California sa United States.

Unang nagpasiklab si Duno nang patulugin sa 2nd round ang dating walang talong pambato ng Golden Boy Promotions (GBP) na si Christian Gonzalez noong Setyembre 10, 2017 sa Belasco Theatre, Los Angeles, California.

Nasundan ito ng sunod-sunod na panalo kina Mexican boxers Juan Pablo Sanchez (UD 8), Yardley Armenta Cruz (KO 1) at Gilbert Gonzalez (UD 10) kaya lalong hinangaan ng boxing fans sa US.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Galing sa kabiguan si Aviles sa walang talong kababayan niya na si Oliver Quintana nang magharap sila para sa WBC Fecarbox super lightweight title noong Mayo 27, 2017 kaya gustong bawian si Duno makaraan ang mahabang bakasyon sa boksing.

May rekord si Aviles na 16-2-3 na may 6 na pagwawagi sa knockouts samantalang si Duno na boksingero ngayon ng GBP ni six-division titlist Oscar dela Hoya ay may kartadang 17 panalo, 1 talo na may 14 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña